Paano kong isa ka sa susunod na mamamatay? Makakaya mo bang iwasan ang panganib na paparating sayo na kahit hindi mo alam kung sino ang taong handang tumapos sa buhay mo at hindi mo rin alam kung anong kasalanan ang nagawa mo. Ano ang gagawin mo kung nasa sitwasyon ka na wala kang kamalay malay na sa bawat lakad, kilos at ginagawa mo may naka-abang na panganib.
Nakakakilabot ang buhay ng mga magkakaibigan na sina Joseph, John Michael, Jeffrey, George, Christian, John Paul, Julius, Karl, Joey, Jordan at marami pang iba. Isang dating mga college students ang magkakaibigan na sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagkita para ibalik ang kanilang dating pagkakaibigan. Bukod sa mga estudyante sila, lahat sila kasali sa isang fraternity noong college na hanggang ngayon hindi na nabubuwag.
Subalit hindi nila alam na doon magsisimula ang kanilang madugong buhay. Panganib na buhay. Sitwasyon na kung saan masisira, maguguluhan, at malulungkot sa mga nangyayari sa kanila. Mga mahal sa buhay na nagluluksa sa bawat pagkamatay nila. Ano kaya ang magiging katapusan ng kanilang. mga buhay. May isa ba sa kanila na matitira o lahat sila mamamatay?
Sa bawat taong namamatay, mas napapaisip sila kung sino ang taong sumisira sa kanilang lahat na kahit ang mga pulis o imbestigador ay hindi magawang matukoy kung sino ang killer na umuubos sa kanila. Bawat kilos, lakad, at galaw nila ay nalalaman ng killer na parating nakabantay.
Mahuhuli ba nila kung sino ang killer? Ano ang motibo nito kung bakit isa isa silang pinapatay? Makakatakas ba sila sa madugong panganib na ito? Hanggang saan matatapos ang ganitong klaseng delubyo na bumabalot sa kanilang mga katawan. Sino kaya ang mamamatay tao na tumatapos sa buhay nila?
THIS IS THE FIRST BOOK OF CRIME SCENES SERIES
EVERY SUNDAY UPDATE!