Labis ang kalungkutan ni Andy nang mawala ang kanyang Mama Joanna, ang babaeng kumupkop sa kanya at kinilala niya bilang ina, ang babaeng itinuring siyang tunay na anak. Halos gumuho ang mundo niya sa pagkawala ng kanyang Mama Joanna. Sa panahon ng kanyang kalungkutan ay saka naman bumalik ang tunay niyang ina. Ang babaeng nagsilang sa kanya pero nagawa siyang iwan sa loob ng maraming taon. Kahit mahirap, pinatawad ni Andy ang kanyang ina. Nagpasya siyang sumama rito dahil alam niyang mas magiging maayos ang buhay niya kasama ito. Tumira siya kasama ang kanyang tunay na ina at ang ampon nitong si Justin. Si Justin na noong una pa lang ay tila hindi na naging masaya sa pagdating ni Andy; naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Pero sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ni Andy na mahulog sa kanyang 'kapatid'. Kahit na nahihirapan ang damdamin niya, patuloy na lumalim ang pagmamahal niya para kay Justin. Masusuklian ba ang kanyang pagmamahal o tuluyan na lang itong masasayang?