One of the hardest courses is Architecture. Ngunit hindi ko alam kung bakit ito padin ang aking pinili despite knowing this fact. Passion? Siguro. Pero paano kung unti unti na akong nawawalan ng salitang iyan? Ano ang magsisilbi kong motibasyon? Sa pag-uumpisa ng bagong taon ko bilang estudyante sa arkitektura, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Nararamdaman ko ang dagundong ng aking puso, napakalakas. Ngunit sa huli, wala akong ibang magagawa kundi ang maging matapang at labanan ang takot. Ngunit may mga pagkakataon talagang mahirap tumayo at sabihan ang sariling kakayanin. Magugulat ka na lamang at may bumubulong tungkol sa pagkitil ng buhay. Susundin ko nga ba? Ito na lamang ba ang tanging paraan? Naiinis na ako sa aking sarili. Bakit ako ganito? Kakayanin ko nga ba talaga? Hindi ko alam. Marahil ibang kurso ang para sa akin. Ngunit ano naman? Hindi pa ako handa. Wala pa akong alam. But I have no choice kundi ang tahakin ang panibagong taon ng aking buhay, ang pagiging isang ARCHITECTURE STUDENT.All Rights Reserved
1 part