21 parts Ongoing Si Aira Dela Cruz - kilala bilang masayahin, friendly, at laging may ngiti sa labi. Pero ang totoo? Yung ngiti niya, may tinatago. Sakit, luha, at mga alaala na hindi niya kayang bitawan.
Fourth year na siya sa Saint Adrian High School. Dapat ito na 'yung pinakamaligayang taon. Pero paano kung ang mga taong pinagkatiwalaan mo, sila rin palang unang mang-iiwan? At paano kung sa gitna ng lahat ng gulo, may isang lalaking biglang darating at unti-unting nakikita ang totoo mong nararamdaman?
Si Kairo Velasquez - tahimik, misteryoso, at bagong lipat. Pero sa kabila ng pagiging mailap niya, tila siya lang ang nakakakita sa lungkot sa likod ng ngiti ni Aira.
Handa na ba si Aira na ipakita ang tunay niyang sarili?
O mas pipiliin niyang manatiling nakangiti habang wasak sa loob?