Hindi maintindihan ni Ezequiel Vennise Fuentavilla ang narararamdaman niya para sa isang lalaking nag-ngangalang Alistair Duke Perez. Unang tingin niya pa lang sa lalaki ay hindi niya na maintindihan kung bakit ang lakas ng pintig ng puso niya para rito. Posible kayang may nakaraang kailangang maungkat? O kailangan ba niyang pigilan ang nararamdaman niya sa lalaki upang maiwasang mangyari ang masamang bangungot na pilit niyang iniiwasan......