A journey towards the meaning of life.
'Filotimo' is a colorful and introspective story that narrates the life of the Kyrios family. When they lost their beloved Mamita, profound changes occurred in their thinking and perspectives on life. Each of the siblings-Moni, Mian, and Mielle-has their own set of questions about the meaning of life, embracing family, and goodness in the world.
This short story contains a journey of self-discovery and acceptance of shortcomings. It demonstrates the characters' desire to understand their true worth in life and how they faced the challenges of their journey. In the pursuit of understanding the meaning of family, love, and wisdom, 'Filotimo' emphasizes self-acceptance and offering themselves to the people who love them.
-
Isang paglalakbay tungo sa kahulugan ng buhay.
Ang 'Filotimo' ay isang makulay at mapanuring kwentong sumasalaysay sa buhay ng pamilyang Kyrios. Nang mawala ang kanilang minamahal na si Mamita, nagkaroon ng malalimang pagbabago sa kanilang pag-iisip at pananaw sa buhay. Ang bawat isa sa magkakapatid-Moni, Mian, at Mielle-ay may kanya-kanyang paksa ng mga tanong ukol sa kahulugan ng buhay, pagtanggap sa pamilya, at ang kabutihan sa mundo.
Ang maikling kwentong ito ay naglalaman ng isang paglalakbay tungo sa pagtuklas ng sarili at pagtanggap sa mga pagkukulang. Pinapakita nito ang pagnanasa ng mga tauhan na malaman ang kanilang tunay na halaga sa buhay at kung paano nila hinarap ang mga hamon ng kanilang paglalakbay. Tungo sa pag-unawa ng kahulugan ng pamilya, pag-ibig, at karunungan, ang Filotimo ay nagbibigay-diin sa pagtanggap ng sarili at pag-aalay sa mga taong nagmamahal sa kanila.
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.