LUMAKI si Liberty Villaruel na pagpipinta ang kinahihiligan. She loves art materials. She lives for the beautiful paintings she make. Pinangarap niyang maging isang kilalang artist. Kaya naman, ginusto niyang mas gumaling at mag-explore. Pinili niyang magbakasyon sa farm na pagmamay ari ng kaniyang Papa. She thought it might inspired her more if she'll go to a place that's new to her. Bagong environment. Bagong mga tanawin. Pero imbis na simpleng inspirasyon ay ibang klaseng emosyon ang natagpuan niya. She met Caliban Adhastre. Ang anak ng kanilang farm manager. Isang makisig na binata na talaga namang ibang-iba sa mga preskong lalaki sa syudad na kinalakihan niya. Noong una, natutuwa lamang siya sa presensiya ng lalaki. Madalas silang nagkasama dahil ito ang sumasama sakanya sa pag-iikot sa farm. Pero hindi na lang pala basta "entertainment" ang nararamdaman niya. Mukhang.. nadadala na siya sa ngiti at kabaitan ni Caliban. -- "Magkaibigan lang kami ni Caliban," sabi ko sa mga trabahador na patuloy akong tinutudyo kay Caliban. "Isa pa, baka may nobya siya..." "Wala." Halos lahat sila ay napalingon sa maagap na pagsagot nito. Pakiramdam ko'y nanigas ang leeg ko roon. I didn't want to look at him knowing he's looking at me. Parang may kung anong umiikot sa tiyan ko. "Wala akong nobya, Liberty."