Undercover yaya ang drama ni Molly nang magtungo siya ng Siargao pero wala pang isang linggo, problema na agad ang sumalubong sa kanya. Isang bangkay ang natagpuan sa bahay ng target na druglord-kamalas-malasan, siya ang itinuturong pumaslang sa biktima. Dumagdag pa sa kanyang suliranin ang muli nilang pagkikita ni Paeng, isang lalaki mula sa nakaraan. Pero hindi na katulad ng dati si Paeng. Iba na ang kanyang ngiti...iba na ang kanyang tingin. Nagbago na'ng lahat sa kanya. Hindi lang iyon, tila kumbinsido rin ang lalaki na siya nga ang suspek sa krimen. "Mamamatay-tao ka naman talaga. I died a small death when you left." At marunong na ring mag-English ang lintik!All Rights Reserved
1 part