Si Shena Anne Mondragon, isang Grade 7 na pumapasok sa pang-mayamang paaralan, ang Honoring Crest Academy. Mahirap lang sila pero nakapasok siya dito sa pamamagitan ng tulong ng tita niya.
Ang tanging kaibigan lang niya ay si Jasmine Anne Madrigal, mahirap rin pero nakapasok si Jasmine dahil isa siyang scholar. Strict at tahimik si Jasmine pero ganun pa man ay naging kaibigan siya ni Shena.
Sa schoo nila, may Prince at King, si Prince Seighart Blake Morseno at King Aaron Drake Arandiego, sila ang dalawang matalino sa school at syempre HEARTROB. May crush si Shena kay Aaron pero minahal niya si Seighart.
Then one day...kinausap ng Prince si Shena at hiningi na maging girlfriend niya, sinabi ng Prince na kukunin niya ang sagot ni Shena the day after tomorrow. Kinabukasan naman nun, pinuntahan naman siya ng King at hiningi rin na maging girlfriend nito at sinabing ang sagot niya pwede pa bukas sasabihin, nalito si Shena kung sino sa kanila.
Kinabukasan nun, dumating ang Prince at King at kinausap siya tungkol sa sagot niya, dahil dun, maraming nag-uusap tungkol kay Shena, mga maling akala sakanya katulad ng isa siyang malandi at iba pa. Dahil sa nararamdaman niya, pinili niya si Seighart, ang tunay niyang mahal, agad-agad nun, nalaman pala niya na pustahan lang pala ang lahat, at ang nanalo ay si Seighart, dahil sa nangyari, maraming babae ang kumausap sa kanya at sinabing "assuming ka kasi!".
Mula nun, di na bumalik sa school si Shena dahil sa hiya dulot ng dalawang lalaki pero 3 years passed at nag-desisyong bumalik si Shena, si Shena na tahimik noon, naging madaldal at palaban na babae ngayon!
pero what if, na-inlove ang Prince sakanya? for the REAL this time?
Simulan na ang asaran at kiligan!!!
Mula pa noong Grade 8, lihim nang iniibig ni David Lorenzo ang transferee na si Kaithlyn Felismino. Tahimik, malambing, at may ngiting kayang paandarin ang puso-si Kaithlyn ang naging pinakamalapit na kaibigan ni David. Ngunit sa likod ng bawat tawanan, kwentuhan, at sabayang pag-uwi, itinago ni David ang damdamin niya. Mas piniling maging "scarecrow"-laging naroroon, laging nagmamasid, ngunit kailanma'y hindi kumikibo.
Hanggang sa dumating ang Grade 12. Senior year. Graduation na sa wakas. Pero bago tuluyang matapos ang kanilang high school life, dumating si Sean-isang palabiro at matalinong bagong estudyante na mabilis naging bahagi ng kanilang barkadahan. Pero sa likod ng kanyang ngiti, napansin agad ni Sean ang hindi kayang itago ni David: ang tahimik na pagmamahal na ilang taon nang kinikimkim.
At sa isang simpleng tanong, gumuho ang katahimikan:
"Gaano katagal mo pa itatago 'yan?"
Habang lumalalim ang kwento, pilit na ilalaban ni David ang damdaming matagal na niyang ikinubli-kahit ang kapalit ay ang pagkakaibigang ayaw niyang mawala. Masasaktan. Maiipit. Mapipilitan si Kaithlyn na tanungin ang sarili: Ano nga ba talaga ang halaga ng isang "kaibigan," kung sa bawat sandali... may pusong naghihintay lang mahalin?
Isang kwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pagtanggap.
Dahil minsan, ang "kaibigan" pala... ay ang taong hindi lang basta naroroon-siya ang taong laging handang masaktan, basta't masaya ka.