Hoy Vince Buencamino mahiya ka naman sa balat mo! who told you na ipagkalat sa buong Campus na tayo na. Itong tandaan mo Vince kahit kelan hindi ako magkakagusto sa isang patpatin at uhuging tulad mo! Yan ang isinisigaw ni Kasandra Del Rio sa kababatang si Vince 16 years ago pero bakit tila yata nagbago ang ihip ng hangin sa muling pagkikita nila ni Vince. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng muli itong makita after 16 years, bakit sa isang iglap ay nawala ang katarayan niyang taglay at napasailalim ng karisma ni Vince. But to her disappointment ibang-iba na ito sa Vince na dati niyang kababata dahil ang Vince na kilala niya ngayon seems to be as cold as ice, pano niya ba palalambutin ang puso nitong sintigas ng bato at sinlamig ng yelo? That's the challenge she needs to face para hindi sila pulutin ng papa niya sa kangkungan dahil ang pagpapakasal lang kay Vince ang makapagaahon at makapagliligtas sa kanilang kabuhayan.