Liam Ford Guazon--a multi millionaire business man, terribly handsome and the KING OF THE BARS. It's so easy for him to get any girl he wants because he is the God of babes sabi ng iba. Wala siyang sineryoso ni isa sa mga babaeng 'to kahit maging sikat na artista at modelo ay nahulog sa karisma niya. Para sa kanya ay parausan lamang ang mga ito at eksperimento sa kama. For him, once he date,he marry. Never siyang nakaramdam ng spark at kilig sa babae pero once may nagustuhan siya, nagseseryoso talaga siya. Ngunit magugulo ang perpektong buhay niya nang makilala niya si Maria Isabela Buenaventura, dating mayaman ngunit nabaon na sa utang dahil sa pagkalulong ng kanyang ama sa sugal. Bilang kabayaran sa utang ay kailangang maikasal si Isabela kay Gan Villaflor--maimpluwensya at tagapagmana ng Villaflor Corp. Ngunit hindi ito tatanggapin ni Isabela kung kaya't tatakas siya sa kasal hanggang sa magpanagpo ang mga landas nina Liam at Isabela sa mismong bar na pinagmamay-ari ni Liam. Magtatrabaho siya rito bilang si Jam Buendia, isang entertainer at kalauna'y mahuhulog ang loob niya sa binata. Itinago ni Isabela ang kanyang tunay na pagkatao kay Liam para matanggap sa trabaho. Gusto rin niya maranasan ang buhay na hindi Buenaventura na laging pinaliligiran ng mga bodyguards. Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti ng nahuhulog si Isabela sa karisma ni Liam. Hindi maamin ni Isabela ang tunay na nararamdman niya para kay Liam dahil sa tinatago niyang pagkatao at ganoon din si Liam. Kung kailan nasa ayos na ang puso ni Liam at handa ng magseryoso ay saka naman susulpot si Gan at dito niya malalaman ang tunay na pagkatao ni Isabela. Then he will feel the pain na kailanman ay hindi pa nya naramdaman.