El Amor De Una Madre

El Amor De Una Madre

  • WpView
    Reads 29
  • WpVote
    Mga Boto 0
  • WpPart
    Mga Parte 6
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeHuling na-publish Tue, Aug 29, 2023
WpInfo
Fanfic
Girls' Generation
Nanay ang isa sa pinaka abalang tao sa buong mundo pero sila rin ang unang nasisisi kapag may hindi magandang nangyayari o napapansin sa kanilang mga anak, nakakalungkot pero may katotohanan. Ginawa mo ng lahat pero hindi pa rin sapat. Kapag magulo ang bahay, "Maghapon wala kang ginagawa?!" Hindi niyo nakita na maaga pa, hindi na kami magkanda ugaga. Pag nadapa si baby, "yan kasi hindi mo tinitignang maigi!" Hindi niyo nakita, na buong araw wala kaming pahinga mabantayan lang siya. Kapag nagkasakit si baby, "Pabaya ka kasing Ina" Pero hindi niyo nakita ang aming pag aalaga. Kapag payat si baby. Kapag delayed magsalita si baby. Kapag iyakin si baby. Kapag nabukulan si baby. Kapag pihikan sa pagkain si baby.. Madalas nasa amin ang sisi. Nasa amin ang pagkakamali. Makita niyo rin sana, na sa kabila ng aming kakulangan, ay may maganda rin kaming nagagawa. Makita niyo rin sana ang pagod, puyat at sakripisyo naming mga Ina.. Pagod na katawan.. Pagod na isipan.. Pero sana hindi mabigat at pagod na kalooban.
All Rights Reserved
#102
taeyeon
WpChevronRight
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • Limang Rason
  • I'm Not Perfect❣ ✔💯
  • My wierdo boss Jeo Ong (jeremiah)
  • Your LODI is my Man  Jeremiah Ong
  • Their Revenge (Alejandro Trilogy#2) [COMPLETED]
  • Emily's life : the untold story (COMPLETE)
  • When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)
  • Ikaw lang...PALAGI  JEO ONG  (Waves of life Season 2)
  • Paano Ba Maging Masaya?👁✔💯

Naririnig ko ang mga takong ng kanyang sapatos habang naglalakad sa labas ng kwartong kinalulugaran ko. " Hindi namin kailangan ng katulad mo! Ang kailangan namin ay doktor para sa anak ko" bulyaw ng aking ina sa labas ng pintuan " Pasasalamatan nyo po ako sa oras na makalabas dito ang anak nyo ng matino" usal ng babae Pagak akong napatawa sa kanyang iniusal sapagkat ibinabalik niya sa akin ang nakaraan. Nakarinig ako ng isang sampal at isang tawa " Kayo po ang bahala pero trabaho ko po ang mga ganito, hindi po sa pagmamalaki subalit dito lang po ako magaling" saad niya " Ano?!? Ang sirain pa lalo ang buhay niya?!?! Ikalat na ganyan siya? Hindi ako naniniwala sa'yo!! " sigaw muli ng aking ina " Mahal, pakiusap, maging ang doktor ay hindi siya nagawang tulungan bakit ba ayaw mong subukan ang kakayahan niya?" tanong ng aking ama " Kung ganoon hindi po ako tatanggap ng pera kung hindi ko siya mapapagaling" saad nito at bumukas ang pintuan

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman