Ang magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay nag-iwan ng malalim ukit sa kanilang mga puso. Nagkaroon sila ng mga pangako sa isa't-isa; May babalik, may sasagip, may pakakasalan, at may maghihintay. May nagtago nito sa puso niya, si Ameera na nalunod at nasagip. May umasa, si Luke na nag-America. May naghanap, si Alec na nangako sa kaniyang ina at may natawa lamang, si Elize na mataas ang ambisyon sa buhay. After twelve long years, sila ay pinagtagpo ulit sa iisang kompanya.
Ano ang magiging tadhana ng magkapatid na ngayon ay mortal nang magkaaway, at ng mag-bestfriend na nagturingan nang magkapatid? Will they discover their past and recognize each other?
Paano kung nagpalit ng pangalan sina Elize and Ameera noon at inakala ni Ameera ngayon na si Alec ay si Luke, at inakala ni Alec si Elize na si Ameera?
Paano ang mga pangako nila sa isa't-isa? Kanino mapupunta? Will things be set as promised? Or are they fated with the twist of faith?
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka."
Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magulang. Sila ang nagdedesisyon para sa kanya, maging ang kasintahan niya ay ang kanyang papa at mama ang pumili.
But all Jesilyn wanted in life was to be free and explore the world... Kahit maiksing sandali lang.
Kaya nang yayain siyang magpakasal ng kanyang nobyo ay nagdesisyon siyang pumunta sa ibang bansa. Iyon na ang huling pagkakataon para magawa niya ang mga hindi pa nararanasan. Bitbit ang traveling bag at ang kanyang "treasured list of courageous things to do," nagpunta siya sa Singapore.
Doon ay nakilala niya si Ryan Decena.
Si Ryan ang naging companion ni Jesilyn habang nasa Singapore. He tolerated all her antics. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Unti-unti ay nararamdaman niya na pareho na silang nahuhulog sa isa't isa.
Subalit may katapusan ang sandaling iyon. Kailangang bumalik ni Jesilyn sa Pilipinas at harapin ang realidad ng kanyang buhay.
Inakala niyang hanggang doon na lamang ang magiging koneksiyon nila ni Ryan. Pero kaibigan pala ito ng kanyang nobyo. And when he realized who she was, he told her that they should forget everything that happened between them.
Kung sana ay ganoon lamang kadaling gawin iyon...