Naranasan mo na bang magmahal sa taong malayo sayo?
Naranasan mo na bang magpakatanga kahit alam mong wala ka namang mapapala?
Naranasan mo na bang mageffort ng sobra mapasaya lang sya? Makita lang sya?
Naranasan mo na bang magantay nang text nya kahit alam mo namang wala syang balak itext ka?
Naranasan mo na bang umiyak ng paulit ulit pero di mo magawang magalit sakanya?
Naranasan mo na bang isuko ang lahat para lang maging matatag kayo?
Naranasan mo na bang maniwala kahit alam mong kasinungalingan lang naman ang lahat?
Naranasan mo na bang masanay sa ugali nya tapos bigla bigla nalang magbabago?
Naranasan mo na bang masabihan ka ng tanga dahil sa pagibig?
Naranasan mo na bang halos lahat nawala na sayo wag lang sya mawala sayo?
Naranasan mo na bang magantay kase alam mo namang minsan mo lang sya makatext?
Naranasan mo na bang sumuko? matauhan sa lahat ng katangahang ginawa mo?
Nakaya mo bang mag move on?
Alam kong isa sa sinabi ko, naranasan mo na.
Hindi mo naman masisisi ang sarili mo diba? Hindi mo naman kasalanang minahal mo sya nang sobra. Hindi mo kasalanang nagpakatanga ka sakanya. Ayaw mo lang naman sya mawala eh, kaya kahit ano, gagawin mo para sakanya.
Minsan kase, kailangan nating maranasan ang mga ganitong bagay, kailangan nating mapagdaanan ito upang matuto tayo, upang maging handa tayo sa mga taong darating pa sa buhay naten.
Matututo tayong bumangon at maging matured. Matututo tayong kilalanin ang mga dapat at hindi dapat.
90% nang storyang ito ay hango sa totoong buhay.
nangyare sya saken years ago. May iba lang akong binago at dinagdag. pero malapit na malapit sya sa nangyare saken.
gusto ko lang maishare. Parang Diary alike sya. Maikli lang to.
Sana magustuhan nyo. <3
XOXO