Story cover for I'm Back For My REVENGE! by MaicasManunulat
I'm Back For My REVENGE!
  • WpView
    Reads 514
  • WpVote
    Votes 15
  • WpPart
    Parts 10
  • WpView
    Reads 514
  • WpVote
    Votes 15
  • WpPart
    Parts 10
Ongoing, First published Sep 04, 2023
❝𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗨𝗚𝗘❞

Isang mabait, mapagmahal, masipag at matulongin na anak at kaibigan si Ashley Zhane. Simpleng babae, hindi maarte at matalino na estudyante. Taglay ni Zhane ang mapagmahal na kaibigan at anak".Wala siyang ibang hinangad kundi ang mapansin at maging proud sa kanya ang sariling ina. Halos ginawa na niya ang lahat para lang mapatunayan ang kanyang kakayahan,  ngunit sa kabila ng lahat ay hindi parin naging proud sa kanya ang ina".

Minsan ay ikinukumpara siya sa kanyang ina sa  kaibigan niyang si Lucey. Tinuring niya itong tunay na kapatid, halos siya na ang gumagawa ng mga projects at assignment para lang tumaas ang marka at makapasa ng exam ang kaibigan. 

Ngunit sa kabila ng kanyang kabaitang ginagawa ay susuklian lang siya ng kasamaan. Inagaw lahat ni Lucey ang dapat na ay sa kanya, tiwala sa mga magulang, kanyang nobyo lahat-lahat ay inagaw sa kanya. 

Hindi niya inasahang magagawa iyon ng kanyang kaibigan. Trinaydor, sinaktan at niloko. Nasira ang kanyang buhay at mga pangarap ng dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay. Dahil sa kahayupang ginawa Ng kanyang itinuring na kapatid. 

Hanggang sa napagtanto niyang tapusin ang kanyang buhay, gusto na niyang maglaho magpakailan man. Ngunit sa hindi inaasahan ni Zhane na may taong darating upang iligtas at baguhin ang kanyang Buhay. 

Makalipas ang limang taon, muling nagpakita si Zhane bilang si Vebhier Lay Montenegro". Bumalik siya para bawiin ang lahat ng inagaw ng kanyang dating kaibigan na si Lucey. Bumalik siya upang maghigante sa mga taong sumira sa kanyang buhay. Bumalik siya para patunayan na hindi lahat ng inaapi ay magpapaapi habang buhay. 

Ngunit ano nga ba ang mangyayari kapag dumating ang araw na nagtagpong muli ang mga landas nila ni Lucey at pati narin si Diego. Makakaya ba niyang gawin ang mga plano niya? Subaybayan natin ang kwento ni Zhane bilang Vebhier Lay Montenegro.
All Rights Reserved
Sign up to add I'm Back For My REVENGE! to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP) by AdiennaMichelle
27 parts Complete Mature
Bawat araw sumasakay si Ailey Espinar sa bus upang makarating sa Unibersidad de Laurente. Nakikipagsiksikan, tulakan at pambuno muna siya para lang makaakyat upang makarating sa kaniyang destinasyon. Masasabing madaldal, masayahin at palakaibigan si Ailey. Nagkagusto siya sa Nursing Student, iniligtas siya nito sa lalaking nambastos sa kaniya hanggang isang araw nagulat na lang siya na malapit na sila sa isa't isa. Natagpuan niya ang sariling parang baliw na nakangiti at masaya tuwing pupunta sa sakayan ng bus. Sa loob ng apat na araw palagi silang nagkakasama ng lalaking ito, pero hindi niya man lang inabalang tanungin kung ano nga bang pangalan niya. Sa ikalimang araw nilang magkasama napagdesisyunan niyang tanungin ang pangalan subalit bubuka pa lang ang kaniyang bibig naitikom niya na iyon dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao, maaaksidente sila! Akala niya ay katapusan na ng buhay niya, pero may mga bisig na yumakap at promotekta sa kaniya. Hindi niya inaasahang naligtas siya sa masalimuot na pangyayari-niligtas siya ng lalaking kahit pangalan ay hindi niya alam. Iyon ang araw na naisipan niyang tingnan ang I.D. nito-Denveir Camerino. Namatay siya sa aksidente, hindi niya man lang nasabi ang nararamdaman niya para rito. Simula nang mangyari ang trahedya natakot na siyang sumakay sa bus. Lumipas ang ilang buwan, habang naglalakad siya sa hallway ng Laurente bitbit ang box ng buko pie may bigla na lang tumawag sa kaniya. Kinabahan at natulala na. Wala sa sariling tinakbo niya ang distansya nila ng lalaking kamukhang-kamukha ni Denveir! Sino nga ba ang lalaking 'yon? Siya ba talaga si Denveir?
They All Abandoned Me  by Lunoxx_Writes
37 parts Complete
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hindi kita Asawa dahil sa papel lang Tayo kasal. Hindi kita mahal." malamig pa na saad nito kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya. "Hindi pa tayo tapos Jacob!" tawag ko sakanya nang akmang aalis siya Kasama ang babae niya. "Kaya kong tanggapin. na may concubine ka... Ang Hindi katanggap-tanggap ay Ang pumatol ka sa Isang mababang URI na alipin!"Galit na Turan ko Sinampal niya ako dahilan para mabigla Ang lahat. Naririto din Ang aking ama na Isang duke Kasama Ang pangalawang Asawa niya at Ang anak nito.. mga nakangisi Sila. "Sino ka para kwestyunin ako at sino ka para bastusin si Zairah?? mas may abilidad pa siya at mas nararapat maging Empress kaysa Sayo!"Sabi niya na dumurog sa aking puso. Tumalikod na ito at bigla namang napadako ang paningin ko sa babaeng nakakapit sa balikat niya na nakangisi. Wala akong ibang nagawa kundi ang tignan sila papalayo habang nakakuyom ang kamao ko. Hindi magtatagal ay tiyak na mawawala na sa akin Ang trono. Biglang lumapit sa akin Ang pamilya ko. "Mas mainam nga siya kumpara sa disgrasyadsng kagaya mo. alam mo sa totoo lang Hindi ko din maintindihan kung bakit sa dinami Dami ng kandidata noon sa pagiging Reyna ay Ikaw pa ang napili.. tiyak na Ngayon Ang iyong kapahamakan"Turan ni ama at ako ay tinalikuran Kasama ng kanyang pamilya. akala ko Ang Araw na ito Ang pinakamagiging masayang Araw ko dahil ito Ang 1st anniversary Namin bilang mag-asawa pero Isa palang napakalaking bangungot.
Chasing the Moonlight by Eeiaxtears
21 parts Complete
"Hindi! Anak na'tin 'to Trevour! Anak mo 'to!" Giit ko dahil iyon naman talaga ang totoo ngunit pakiramdam ko ay mali ang ipaglaban ang totoo. "What'd you say? That's mine?" Sarkastikong itong natawa at tiningnan ako ng nanlilisik ang mata. Nanginginig na umatras ako nang humakbang ito palapit sa'kin. "You're not Jerra, Siya lang ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw." Madiin nitong wika. Ang mga mata nitong nandidilim na siyang nagdala ng panginginig sa takot sa'kin. Sa kabila ng takot, mas matimbang pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. hindi ako, hindi ako ang babaeng nais niyang makasama habang buhay at kahit kailanman ay hinding hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Masakit, ang sakit lang. "N-no, s-stop it T-trevour..." Mangingiyak na pagmamakaawa ko upang pigilan ang binabalak nitong gawin. Wala akong ibang magawa kundi yakapin ang sinapupunan ko upang protektahan iyon. "No, You can't be. I'll kill that child." Nakakatakot nitong wika at naramdaman ko nalang ang pagtama ng kamao niya tyan ko dahilan para mapahiyaw ako sa sakit. ___ Nababaliw akong umiling. "Hindi, hindi mo siya anak." Pagmamatigas ko at bumangon ngunit mabilis itong nakagawa ng paraan upang pigilan ako. "You can't fool me, Azerylle. He is my son." Determinadong saad niya. Tumingin ito sa'kin, walang galit, walang hinanakit kundi ang mga mata nito ay nagniningning sa sobrang kasiyahan. Sa katunayan ay kita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata nito. Lumambot ang ekspresyon ko at nakaramdam ng awa para sa kaniya. Hindi pa ako handang magpaliwanag sa kaniya ngayon, hindi pa. "You're not my father, He's an Idiot." Walang emosyong wika ng anak ko. Nakita ko kung paano napatigil si Trevour at pagbagsak ng luha niya. Yumuko ito at nagkunyaring kinamot ang ilong ngunit ang totoo ay palihim niyang pinunasan ang luha. I felt the pain. Ito naman ang gusto ko pero mas doble ang sakit na nararamdaman ko para sa kaniya. Paos itong tumawa. "No, I am your Idiot father, Lucas."
You may also like
Slide 1 of 9
You're My Only Love cover
CONTRACT WITH MR. BILLIONAIRE  cover
Skeletons In the Closet (wlw) cover
TBSBook7:Healing Your Broken Heart cover
5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP) cover
They All Abandoned Me  cover
Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw) cover
Chasing the Moonlight cover
Alipin Series 2: Stuck With You (wlw) cover

You're My Only Love

30 parts Ongoing Mature

Inspired by: Ikaw Lang Ang Mamahalin (GMA 7) A romance story of a poor girl and teenager. Lumaki si Angeline Irish Montenegro sa isang mahirap na pamilya. Sanggol pa lang siya ay inilayo siya sa kaniyang mga magulang. Kung kaya't napadpad Ang landas niya sa Isang matandang dalaga na nagngangalang Miding at ito Ang nag aruga at palaki sa kaniya. bata pa lang ay namulat na agad sa kahirapan ng buhay. Hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya dahil hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang inang si Miding kaya napagpasiyahan na niya sa edad na 18 ay mamasukan siya bilang katulong dahil alam niyang ayun lang ang makukuha niyang trabaho. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang mansiyon kung saan siya namasukan bilang katulong, ay nakatagpo siya ng isang lalaki na anak-mayaman, at napansin nito ang kaniyang angking kagandahan at kahinhinan. At sa hindi ulit inaasahang pangyayari, nahulog sila sa isa't-isa. Magkakaroon kaya ng hadlang ang kanilang pagmamahalan dahil sa kanilang mga estado sa buhay?