Naniniwala kaba sa karma?
Sinasabi na sa mundong ibabaw, lahat ng gawin natin, mabuti man o masama ay may sapat na kabayaran. Bumabalik ito tulad ng boomerang.
Lumaki si Joey sa simbahan kaya't normal lang para sa kanya ang matakot gumawa ng masama. Hindi nya kahit kailan man, ninais na mapunta sa naglalagablab na apoy ng impyerno.
Ngunit matapos kidnap-in ng kapatid nya si Danielle, isa sa pinaka sikat na artista ng bansa. Nagimbal sya at natakot sa kahihinatnan nito.
Hanggang sa magkanda letse letse at itong si Shark, mali pa ang nakuhang tao. Sa halip na si Danielle, pinsan nito ang hawak nila!
At handa syang lumuhod, mag maka-awa, at magpa alipin dito, mapatawad lang sila sa naging kasalanan ng kapatid nya.
Magiging handa parin ba sya, kung puso nya ang magiging kabayaran?
Disclaimer...
This book's story is fictitious. Names, Characters, Place, Business, Events and Incidents are product of my own imagination. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely coincidental....
Mula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong nakakakilala sa kanya at walang masyadong nakaka alam kung ano ang nakaraan niya. Pero paano naman siya mabubuhay ng tahimik kung unang araw palang niya ay binatikos na siya ng seryosong Class President/Student Council president na si Lavender David?
----
Smart and responsible, idagdag pa ang taglay niyang ganda, walang hindi nakakakilala sa cold-hearted Student Council President na si Lavender David. Maituturing na siya ang pinaka matalino sa buong paaralan at ang paborito ng lahat ng kanyang mga guro. Gusto lang naman niyang matapos ang buong schoolyear bilang Grade 10 student pero paano naman niya magagawa yun kung bigla nalang pumasok sa classroom nila ang isang babae na mas mukha pang modelo kaysa guro?