Sa kabila ng kabutihan at paggalang na ipinapakita ng Imperyong Armenia sa kanilang hari, hindi man lang sila nito nagawang kampihan at ipagtanggol sa pananalang pagnakaw ng korona nito.
Dapit-hapon nang ipadampot si Empress Liah, dahil isa umano ito sa kasabwat sa pagnanakaw ng korona ng hari, kasama na rito ang kaniyang mga opisyal na napag-alamang malayang nakakalabas-masok sa palasyo ng Haring Lintelligend.
Dahil sa mga paratang na ibinabato sa kanila ay hindi nakayanan ni Warrior Apollo, ang anak nang isang magiting na mandirigma na magalit at gumawa ng sariling pag-iimbestiga sa nangyari, madali niyang nakumbensi ang mga kaibigan na tulongan siya. Subalit sa gitna nang paghahanap ng katotohanan ay may iba pa silang natuklasan. Isang malaking kasinungalingang nakatago mula sa nakaraan na muling sisira sa kanilang tahimik na pamumuhay.
"Hindi ito ang mundong nasa isipan ko, lalo na nang mga taong nasasakupan ng Imperyong ito!"
Magtagumpay kaya silang muli sa bagong digmaan o ang kalaban na ang mamamayani sa buong Emperyo?