MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
50 parts Complete Sa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti.
Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang tao kung sasabihin kong naniniwala ako na Totoong may bampira sa mundo ng mga tao
Alam kong sasabihin lang nila na sa Tv o sa mga storya lang nag e-exist ang bampira pero alam kong hindi lang don. Dahil ako mismo, ako mismo ang nakasaksi na totoo ang mga bampira
At hanggang ngayon ay galit parin ako sakanila dahil sa Ginawa nila sa aking ina
Ang aking inosenteng ina na Pinatay nila ng walang awa
10 years old palang ako nang atakihin kame ng mga bampira, naka ligtas ako pero si mama hindi. Kitang kita ko kung paano nila Patayin si mama
Nakaligtas ako dahil sa isang bampira na nagligtas saakin. laking pasasalamat ko sakanya noon. Pero 'yun na rin yung huli naming pagkikita. Hanggang ngayon hindi ko parin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mama. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong dahil alam kong hindi rin naman nila ako paniniwalaan
Pero hindi ko inaasahang isang lalaki ang darating, hindi tao kundi isang bampira. Bampira na kinasusuklaman ko. Sa kasamaang palad ay naging Boss at asawa ko pa.