"maybe, in another life---when the universe finally permits and their stars will align, it'll be the two of them and their untold story...." ********************** "Dear Diary, may mga panghihinayang ka na ba? mga taong gusto sanang balikan? hingan ng tawad? marahil, meron. karamihan sa atin, may mga hinanakit sa nakaraan na nais nating balikan---kung sana ay pwede lang. pero sa buhay, forward lang ang meron. walang replay. walang rewind. ang nangyari, hindi na mababawi. hindi mo na mababago. ang mga nawala, hindi na maibabalik. umiyak ka man. magsisi. wala na sya. hindi na babalik pa..." isinara ni JL ang diary. napabuntong-hininga sya at nanatili lang nakatitig sa naturang personal na libro. tahimik ang paligid at mabini lang sa balat ang sikat ng araw. "salamat sa pagbahagi ng buhay at alaala mo sa 'kin. iingatan ko ito---at ang Cafe. para sa 'yo. salamat muli, Emilia." aniya, saka hinaplos ang puntod nito. at lumisan. alam nyang masaya na ito. ********************************* PLAGIARISM IS A CRIME. KEEP THAT IN MIND. *** ANG AKDANG ITO AY LIKHANG KATHANG-ISIP LAMANG. ALINMANG PAGKAKATULAD SA TOTOONG BUHAY AY HINDI SINASADYA NG MAY-AKDA.All Rights Reserved