Nag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamilya na ipakasal siya sa kasosyo nito sa negosyo. Ngunit may ibang gustong gawin si Freen sa kaniyang buhay. Hindi niya gustong magpakasal sa isang tao at matali siya rito kagaya ng kaniyang ina. Kaya naman noong aksidente niyang makilala si Bianca 'Becky' Medoza ay hindi na siya nagdalawang-isip pang alukin ito ng kasal. Oo, nagpakasal siya sa isa ring babae kagaya niya. Hindi dahil sa ito ang kaniyang gusto ngunit upang magrebelde sa ama at tigilan siya. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay unti-unting nagbabago ang kaniyang nararamdaman para kay Becky.