Sanay na sanay na si alrina sa pananakit ng kanyang ina - inahan simula nang mamatay ang kanyang Ama nang dahil sa kanya kaya naman hindi na sya nasasaktan na para bang tanggap na nya ang takbo ng buhay nya. Pero walang nakapagsabi sa kanya na may mas masakit pa pala sa salita at physical na pananakit ng kanyang ina - inahan. Nakilala ni Alrina ang lalaking nangangalang Theo Valdez, gwapo, mayaman, palangiti, at higit sa lahat mabait. Palagi itong may handang ngiti kapag nakikita sya, siguro dahil nakita nito ang mga pasa sa kanyang katawan ng minsang bogbogin sya ng kanyang ina - inahan, Itinuro sa kanya ng lalaki ang salitang pag - ibig, nagkaroon ng buhay ang magulo nyang mundo nang dahil sa lalaki pero hindi niya inaasahan na ang lalaki din pala ang sisira sa mundong pareho nilang binuo, Hindi nya alam na isang lalaki lang pala ang magiging dahilan kung bakit tuluyang nawalan nang buhay ang mundong sandaling pinaramdam sa kanya ang salitang masaya at pagmamahal.All Rights Reserved
1 part