Sa murang edad ay namulat na ang isipan ni Ramona sa maraming oportunidad na mayroon sa ibang bansa. Hindi siya ipinanganak na dukha, ngunit alam niyang may kulang pa rin sa kanyang buhay. At nais niyang hanapin iyon sa labas ng lupang kanyang tinatapakan. Alam niya sa sarili na hindi kayang ibigay ng kanyang bayan ang malaking oportunidad na gustong makuha. Sa murang edad ay hinahangad niyang dumayo sa ibang bansa at masilayan ang ganda ng mga ito. Para sa kanyang pamilya at kaibigan ay pawang kathang-isip lamang ang gustong mangyari ni Ramona. Dahil rito ay sinubukan niyang bitawan ang suntok sa buwan na pangarap. Naguluhan siya sa kung ano ba talaga ang direksyon ng kanyang buhay. Ngunit dumating sa kanyang landas ang isang lalaking magiging pag-asa niya upang patunayan ang kanyang paniniwala at maabot ang pangarap. Lubos siyang sinuportahan ng lalaki dahil nakita nito ang ningning sa kanyang mga mata nang ideklara niya ang kanyang plano sa buhay. Subalit sa kabila ng malaking pag-asang hatid ng lalaki sa kanya at sa kasiguraduhan ni Ramona, natuklasan niya na kapag mabilis mong ibinigay ang iyong tiwala sa isang tao ay mabilis din itong mababasag. Hindi niya akalaing iiwan siya sa ere ng mga taong pinaka-inaasahan niya. Sa lahat ng masakit na pinagdaanan nila at sa muling pagkikita, may pag-asa pa bang lumiwanag ang kalangitan nilang binalot ng makapal na ulap at maabot na sa wakas ang alapaap? --- "There are different types of clouds such as cumulus, nimbus, stratus and so on. But ever since I was a kid, I have only known one type of clouds that I've always wanted to see. It's identified with extreme happiness and reaching it is probably the ultimate goal of every human being. And now, I am happy to tell myself that I've finally reached my cloud nine."All Rights Reserved
1 part