Story cover for Mahika at Propesiya by HirayaCross
Mahika at Propesiya
  • WpView
    Прочтений 11
  • WpVote
    Голосов 0
  • WpPart
    Частей 3
  • WpView
    Прочтений 11
  • WpVote
    Голосов 0
  • WpPart
    Частей 3
В процессе, впервые опубликовано сент. 23, 2023
Panahon na kinamumuhian at kinatatakutan ang anumang bagay na kakaiba, na itinuturing na mahika. Iyon ang panahong kinabibilangan ni Nate na sanggol pa lamang ay nakakitaan na ng kakaibang abilidad. Nang mamatay ang itinuring niyang ama ay pinalayas siya ng pamilya nito. Mula noon ay nagsimula siyang maglakbay at magpalipat-lipat ng lugar. Hindi siya tumatagal ng isang buwan sa isang pamayanan. Mas minamabuti niyang umiwas sa mga tao upang walang makapupuna sakaling hindi niya sinasadyang magamit ang kaniyang kakaibang kakayanan. 
Isang araw, may naka-engkwentro siyang mga masasamang tao at labis ang pambubugbog na naranasan niya mula sa kanila. Akala niya ay iyon na ang kaniyang katapusan, ngunit sa kabutihang palad ay may dumaang mga manlalakbay at tinulungan siya. 
Wala naman talagang pakialam si Vince patungkol sa tinulungan nilang estranghero. Bilang isang prinsipe, inisip na lamang niyang isa iyon sa mga responsibilidad niya, ang tumulong sa kanilang nasasakupan. Ngunit naging interesado siya nang mapag-alaman na babae pala ang inaakalang niyang binatilyo. Mula sa suot nitong damit at gupit ng buhok, aakalain talagang lalaki ito. Bakit kaya ito nagbabalatkayo?
Все права сохранены
Подпишись, чтобы добавить Mahika at Propesiya в свою библиотеку и получать обновления
или
#81fantasy-romance
Требования к контенту
Вам также может понравиться
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 от Mvirgo_17
35 Части В процессе Для взрослых
𝚂𝚢𝚗𝚘𝚙𝚜𝚒𝚜 Si Zarr ay ulilang lubos. Bago pa man siya maging ulila ay mayroon siyang pamilya, subalit hindi totoong pamilya. Inampon lamang siya ng mag-asawang Larine at Crado. Subalit, isang trahedya ang nangyari nang gabing iyon. Sinalakay ng mga misteryosong lalaki ang kanilang tahanan at pinaslang ang kaniyang kinikilalang magulang at naging bangungot iyon kay Zarr. Isa lamang pangkaraniwan si Zarr, subalit gagawin niya ang lahat upang maghiganti at mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kinikilalang magulang. Gagawin niya rin ang lahat upang alamin ang kaniyang totoong katauhan. At isa lamang ang naiisip niyang paraan upang magawa ang mga nais niya, iyon ay magpalakas nang magpalakas. Dahil lakas lamang ang batayan ng mga karapatdapat. Kung hindi ka malakas ay wala kang kwenta. At ang malalakas ang mga nakakaangat. Hahalughugin niya ang buong kontinente ng Critonya upang magpalakas at maghanap ng mga oportunidad. Ngunit, mayroong mas malalakas pa sa kaniya kaya kailangan niyang makipagkumpetensya sa mga ito. At dahil isang mapangahas si Zarr, makikipagkumpetensya siya sa mga malalakas kahit pa malagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Dahil din sa kapangahasan ni Zarr, makakatagpo siya ng mga mahigpit na kalaban. Dahil din dito, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng kaniyang nakilala. Isa kaya itong kalaban o kaibigan? Kakayanin kaya ni Zarr ang mga pagsubok at hamon sa kaniyang buhay? Magiging matatag kaya siya sa mga ibinabatong panghahamak sa mga nakakasalamuha niya? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang paghihiganti at paghahanap sa kaniyang tunay na magulang? Subaybayan natin ang kasabik-sabik na kwento ni Zarr Albarn sa The Divine Emperor.
Loving The Mobster Princess от margarette_ace
16 Части Завершенная история
Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na ang papalit sa posisyon ng lolo niya bilang leader ng isang underground organization na Black Lotus. Tatlong buwan na lang ang natitira bago sumapit ang nalalapit niyang kaarawan. Nakahanda na siya sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng posisyong iyon pero mukhang may ibang balak sa kanya ang tadhana. One fateful night she saw the man of her dreams. Dahil likas na mahilig sa fairytales ay hindi niya napigilang pagmasdan ang lalaki mula sa malayo. Unang kita pa lang niya dito habang ipinagtatanggol nito ang isang babae ay nakuha na nito ang atensiyon niya. He was like a knight in shining armor ready to slay the dragon just to save the princess. Ipinahanap niya ang lalaki na nalaman niyang Clarence ang pangalan. Ginawa niya ang lahat para mapalapit kay Clarence to the point ng pinakiusapan pa niya ang abuelo na i-transfer siya sa St. Rudolph University kung saan nag-aaral ang binata. Hindi niya ito tinitigilan kahit na laging tablado ang kagandahan niya sa kasungitan nito. Kung kailan naman nawawalan na siya ng pag-asa ay tsaka naman nagbago ang ihip ng hangin. Parang ngumiti ang langit sa kanya ng unti-unti nang lumambot ang puso ni Clarence sa kanya. And just when she thought that everything were right on place, her past came to hunt her. Muntik pang mapahamak si Clarence dahil sa kanya. May pag-asa pa kayang magkaroon ng happy ending ang istorya nila ni Clarence, kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila? At matanggap kaya siya nito kapag nalaman nito ang tungkol sa pagkatao niya?
Вам также может понравиться
Slide 1 of 9
Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE cover
Magical Love cover
TO THE LAND OF PROMISE book-1 cover
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat cover
Hinirang cover
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 cover
Loving The Mobster Princess cover
Tale of Fantasy: AMARITH #PHTimes2019 cover
The Last Gray-Haired Witch cover

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARE

37 Части Завершенная история Для взрослых

NOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinungalingan iyon, naangkin siya ng binata. Akala ni Lockett ay walang halaga ang nangyari sa kanila ni Creed dahil kinaumagahan pagkatapos siya nitong angkinin, nag-offer ito ng 'friendship'. Tinawanan niya ang friendship na ini-o-offer nito. It's absurd! Para sa kanya, isa iyong kalokohan at alam niya sa sarili niya na hindi isang kaibigan ang pagtingin niya sa binata. From friendship, he offered her to be his lover. Sino siya para tanggihan ang offer na iyon, lalo na kung nasa kalagitnaan sila ng mainit na pagtatalik habang minumungkahi nitong maging lover siya nito. Hindi akalain ni Lockett na mas lalalim pa relasyon nila ni Creed. Kahit walang label ang relasyon nila, masaya siya. Nararamdaman niyang may puwang siya sa puso nito at ganoon din naman ito sa puso niya. And then one day, her illness decided to be the antagonist of their love story. She has to leave for his sake. Ang hindi niya inakala na sa pag-alis niya ay kasabay niyon ang pagkawala ng memorya niya. At sa pagbabalik ni Lockett, mapapatunayan kaya ni Creed na totoo ang kasabihang 'the heart sees what the eyes can't'?