Ang inggit ay hindi talaga natin kayang pigilan dahil tayo ay tao lamang at minsan sa buhay natin ay nangangarap na magkaroon din ng mga bagay na wala sa atin na nakikita natin sa ibang tao. Kaya natural na tayo ay mainggit o mag karoon ng poot sa iba kahit naman wala naman silang nagawang masama sa atin. Lalo na siguro kung may mga taong nagawan natin ng masama at nakikita nila na tayo ay umasenso at nagkaroon ng mga bagay na wala sa kanila, natural ay maiinggit sila at mag sasalita ng masama sa atin. Kung hindi naman, o' kahit pa na sila ay mas naka lalamang ng kalagayan sa buhay kaysa sa atin, at nag sasalita parin sila ng masama, ito ay sa kadahilanang, galit sila sa atin noong tayo ay may nagawang mali tungo sa kanila. Kaya naman ayaw nila na makita kang umaangat sa buhay dahil nga sila ay galit sa iyo.. at marami pang klase ng inggit ang iyong malalaman kapag tinapos mo ang scriptong ito, ito ay mag bibigay solusyunan para maiwasan at maliwanagan ang mga taong naiinggit sa atin.