Isasakripisyo mo ba ang magandang kinabukasan ng taong mahal mo para ipaglaban ang makasarili ninyong pag-ibigan o tatalikuran mo siya at uunahin na lang ang sarili mo? Eto ang katanungang bumabagabag sa isip ni Cecily lalo na't napanuod niya kung paano nasira ang marriage ng kanya Mama at Papa sa kabila ng lahat ng pinag-daanan nila upang maipag-laban ang pagmamahalan nilang tinututulan ng maraming tao. Para sa kanya, dapat huwag nang tangkaing bumaba ng langit para lang humalik sa lupa. Naniniwala si Cecily na walang nabubulag sa pag-ibig. Sadyang pinipili lang ng mga tao mag-bulag bulagan just to keep the fantasy! Pero magagawa kaya niyang makita ang red flags kapag siya na ang tinamaan ni kupido? Pipiliin kaya niya ang sarili niya kapalit ng pangakong walang hanggang pag-ibig?