Ang kuwentong ito ay ideya lamang sa ginawa ng aking matalik na kaibigan, ito ay galing sa tula na siya nama'y aking naisipang gawan ng storya. Ito po ang kauna-unahang storya na aking pinublish. Hindi pa siya tapos 😭😭
Ito ang storya ng isang istudyanteng manunulat na si Sae na ang strand ay HUMMS. Sa una'y wala na talaga siyang pagkakataong makahanap ng kaniyang pinupusuan, gawa nang sobrang dami ng gawain sa iskwelahan, wala na siyang oras para dito. Patuloy niyang idinadaan ang mga saloobin niya sa pamamagitan ng pagsusulat; isa sa mga gustong gawain niya. Samantalang, hindi niya namang isaasahang mayroon palang kaparehas niya ng kapalaran. Ito aysi Gio naman ay isang STEM student na may pagka-mahiyain, siya'y matalino, maitsura, ngunit hindi marunong makipagusap kaya naman siya'y hindi maintindihan ng mga taong kumakausap sa kaniya. Buong buhay nila'y palaging matamlay, malungkot, at nakaka-walang gana... Ngunit, sa isang panahon at parehong oras, sila'y pinagtagpo ng tadhana. Isang napakalamig at maulan na panahon, sila'y tuluyang nagkita sa isang antayan ng bus. Dahil sa oras na iyon, walang nakakaalam kung anong mga mangyayaring nagaantay lang maisagawa.