Sa mundong ito, may mga taong isinilang na may kakaibang kapangyarihan-ang kakayahang gamitin ang mahika. Sila ang tinatawag na Mage.
Sila ang nagsisilbing mga bayani, tagapagtanggol, at sandigan ng buong bansa. At dahil sa kanilang kapangyarihan, nakamit nila ang respeto, karangalan, at mga prebilehiyong hindi kayang abutin ng ordinaryong tao.
Kaya't sino bang hindi mangangarap maging tulad nila?
Ako man, si Jett Reed, ay nangarap din.
Hindi para maging tanyag. Hindi para sa papuri.
Kundi para maiahon ko sa kahirapan ang aking pamilya at bigyan sila ng buhay na karapat-dapat sa kanila.
Ngunit isang bagay ang hindi ko inaasahan...
Sa likod ng kinang ng mahika at kasinungalingan ng kapangyarihan, may tinatagong katotohanan. Isang lihim na kayang yumanig sa buong mundo.
At nang matuklasan ko iyon, nagbago ang lahat.
Mula sa isang simpleng pangarap, nagsimula ang isang laban.
Isang laban hindi lang para sa aking pamilya, kundi para sa buong sangkatauhan.
Ako si Jett Reed, at ito ang kwento ng aking paglalakbay...
Ang paglalakbay upang maging pinakamalakas na Mage!
Gawa ko po ito gamit lang po ang aking imahinasyon, kung sino man ang taong may kahawig sa mga pangalan sa tunay na buhay at sa ibang istorya ay sadyang aksidente lang po ang lahat :D