Sa mga kabataan hindi parang isang apoy ang paglalaro ng salitang pag-ibig. Ganito ang nangyari kay Cha, minahal niya ng hindi sinasadya ang kanyang highschool classmate at kilalang heartthrob ng buong eskwelahan. Iyon si Albert ang lalaking walang pakundangan sa pagpapaiyak ng babae. Para itong nagpapalit ng damit kung magpapalit-palit ng girlfriend. Isa na roon si Cha, inilihim niya ang pagtingin sa lalaki dahil nakakasiguro siyang paglalaruan lamang nito ang kanyang damdamin. Hanggang isang araw nang madiskubre ng binata ang lihim niyang pagtingin rito. "Gusto kita at ikaw ang gusto kong maging girlfriend" tahasang giit ni Albert Wala siyang pagpapatumpik-tumpik kung kaya't lahat ng kagustuhan nito ay sinunod niya. YES! Maging ang pagkakabae niya ay ibinigay niya rito, at tama siya pinaglaruan lamang siya ng binata matapos ang lahat ay napag alaman niyang dinaan lamang nito ang lahat sa isang pustahan. Sa muling pagku-krus ng kanilang mga landas ni Albert ay makuha pa kaya niyang patawarin ito? o mas pipiliin niyang burahin na lamang ang lalaki na nanakit at dumurog sa noon ay batang puso pa lamang niya? Paiiralin ba niya ang galit o mas manaig ang Pag ibig? A NOVEL WRITTEN BY RAD WINDSORAll Rights Reserved