Story cover for My Dear Guardian (COMPLETED) by beberose_28
My Dear Guardian (COMPLETED)
  • WpView
    Reads 4,342
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 36
  • WpView
    Reads 4,342
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 36
Complete, First published Oct 04, 2023
Sa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay nakadagdag pa sa karisma ng binata ang ugaling iyon 

Hindi nagtagal ay nagka mabutihan ang dalawa at nangakong kahit anong mangyari ay hindi iiwanan ang isa't isa. Ngunit may sikretong tinatago si Sebastian na magiging dahilan para iwanan siya ni Moira. 

Hindi pangkaraniwang tao si Sebastian, sa katunayan hindi talaga siya tao. Mahirap paniwalaan ngunit isa itong immortal na nag babantay sa gubat. 

Alam ni Sebastian na hindi maaring umibig ang gaya niya sa isang mortal. Isa itong malaking kasalanan at hindi katanggap tanggap sa langit o maging sa lupa ang relasyon nila ni Moira. Ngunit mahal na mahal niya ang dalaga at handa nitong gawin ang lahat para lang matupad ang pangako nila sa isa't isa.
All Rights Reserved
Sign up to add My Dear Guardian (COMPLETED) to your library and receive updates
or
#808generalfiction
Content Guidelines
You may also like
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ by kvssy_Mvrikit
15 parts Ongoing
Akala nila'y tapos na ang digmaan. Nang malipol ang huling kawal ni Hagorn, naniwala ang mga Sang'gre na ito na ang pagbagsak ng Hatoria. Ngunit sa anino ng kanilang tagumpay, may unti-unting nagbabalik - mas madilim, mas sinauna, at walang kapantay. Muling lumitaw ang mga Ivtre. Mula sa ilalim ng Balaak, pinakawalan ni Hagorn ang mga nilalang na nilimot ng panahon - mga nilikhang hindi tinatablan ng kapangyarihan, at walang pagkakakilanlan sa awa. Isa-isa nilang nilalagas ang mga tagapagtanggol ng Encantadia, habang kinukuha ang bawat Brilyante sa kanilang daraanan. Walang sandata ang sapat. Walang Sang'gre ang makakatapat. At sa gitna ng desperasyon, isang desisyon ang ginawa ng Hara ng Lireo, si Amihan: buhay sa buhay. Ivtre sa Ivtre. Handa na siyang isakripisyo ang sarili - ngunit may isang lihim na hindi pa alam ng kahit sino. Habang abala ang lahat sa digmaan, si Cassiopea ay naglaho. Hindi upang tumakas, kundi upang sunduin ang isang nilalang na matagal na niyang inililihim mula sa buong mundo... Si Adhira. lumaki sa gitna ng karaniwang buhay - ngunit sa kanyang dugo ay dumadaloy ang kapangyarihang hindi kayang ipaliwanag ng alinmang Brilyante. Dahil si Adhira ang anak ni Cassiopea... at ni Bathalumang Emre. Isang nilalang na kalahating Diwata, kalahating Diyos. Nakalimutang pamana ng liwanag. At sa kanyang pagbabalik, magbabago ang kapalaran ng Encantadia. Kung pipiliin niyang manindigan... O kung lamunin siya ng kanyang sariling kapangyarihan.
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) by BambieWp
12 parts Complete
Si Shermaine Gutierrez, isang matabang babae na hinahangad lang na tanggapin siya ng lahat. Sa buong buhay niya, lagi na lamang siyang pinapahirapan maging ng mga kamag-anak nito. Kaya, naisip na lamang niyang umalis at mapag-isa. Mas ginusto niyang manirahan malayo sa mga magulang niyang pati siya ay hindi matanggap-tanggap dahil sa kaanyuan nito. Ipinagpapasalamat naman niya na kahit gaano pa kasama ang kapalaran sa kaniya, nariyan pa rin ang kanyang long time bestfriend na si Andrei na lagi siyang ipinagtatanggol sa mga taong patuloy siyang sinasaktan. Ngunit, dumating ang pagkakataon na umibig si Shermaine. Ang pag-ibig na hindi niya aakalaing darating pa sa kanya. Ni hindi nga niya akalain na magugustuhan siya nito. Kaya, ipinaubaya niya ang puso niya rito. Pero, hindi niya alam na may isa pang nagmamahal sa kanya nang palihim. Ni hindi niya alam na mas nasasaktan ang taong iyon kapag ang bukambibig niya ay ang lalaking minahal niya. Dumating ang panahon na nasaktan ang dalaga. Akala niya ay sasaya na siya sa pag-ibig na kanyang naramdaman. Akala niya, solusyon na ang pag-ibig sa paghihirap niya. Pero, nagkamali siya, dahil ang pag-ibig pala mismo ang rason kung bakit siya naghihirap ngayon. Pero, paano na lamang kung bumalik ang lahat? Makakaya pa ba ni Shermaine na ipaubayang muli ang puso sa kabila nang sakit na naranasan niya? O, hahayaan na lamang niya ang sarili na maging manhid at hindi na muling umibig? Makakaya pa kaya niya ang magmahal? Ikaw, makakaya mo pa ba?
You may also like
Slide 1 of 8
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ cover
The Servant [COMPLETED] cover
Hindi Tayo Pwede (Kahit Sandali Nalang) cover
Hihintaying maubos ang alon. cover
The Billionaire's Son (Completed) cover
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) cover
LUMINOUS (Fantasy Novel) cover
Diwata (Completed) cover

Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵