"Ayos lang maging number 2 sa klase, basta ako pa rin ang number 1 sa puso mo," - Asher Evangelista Sabi nila, iba daw ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Maaaring maganda o hindi ang maging dulot nito. Para kay Aleeza, ang dinurog na pag-ibig niya kay Asher ang nagiging inspirasyon niya upang higitan pa ito. Nais niyang ipamukha kay Asher kung ano ang sinayang niya. Samantala, si Asher ay naniniwala na minsan ang pag-ibig ay mapagpalaya kung ito ang magiging dahilan upang lumago ang isang tao. Kaya kahit kamuhuian siya ni Aleeza ay ayos lang sa kaniya kung ito ang magiging dahilan upang mahanap niya ang kaniyang sarili. Iba-iba ang kahulugan ng pag-ibig. Pero iisa lang naman ang tinitimbok nito. Ang may lakas ng loob magmahal ay handang harapin ang kapalit neto. Magkaibang pananaw, magkaibang inspirasyon, sa dulo kaya ng kanilang kwento maunawaan kaya nila ang totoong kahulugan ng pag-ibig? Sama-sama nating alamin ang totoong kahulugan nito at mapasabing, "So It's Love." *** DATE STARTED: October 6, 2023 DATE FINISHED:
4 parts