Author: MAXINE REYES Genre: R18+🔞,Romance, and Action (PROLOGUE) Nakahinga ako ng maluwag noong nakita kong nakahiga ito, siguro ay tulog siya. Mabuti naman kung ganun. Nilapag ko ang mga gamit ko na panglinis... Dahan dahan lang ako sa mga galaw ko... Iniiwasan kong magising siya... Ang sabi sa akin ng mga kapwa ko nurse... marami na ring nap*tay 'to. Pinulot ko 'yong mga basura at nilagay sa isang garbage bag na dala ko. Mahirap maglinis dahil walang ilaw... Ayokong buksan 'yong ilaw dahil baka magising 'tong pasyente ko. Mas okay nang maging mas maingat. Pagkatapos kong magwalis ay kinuha ko na 'yong mop na dala ko, sa banyo na lang ako kukuha ng tubig, hindi kasi ako nagdala, masiyadong mabigat 'pag nagdala pa ako. Pinihit ko 'yong door knob ng dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay, teka... nakabukas 'yong ilaw sa loob? Noong tuluyan ko na itong nabuksan ay... "Ahh!" napatili ako sa gulat at napaatras ng kaunti dahil sa nakita ko. Isang taong nakatali ang leeg sa kisame... Putol-putol ang mga daliri nito, maging ang mata niya ay nawawala, may mga saksak din ito sa tiyan at may kutsilyo pang nakatarak sa leeg nito. Ang daming dugo... Nasusuka ako... Tumalikod agad ako at paglingon ko sa likod ko ay nakatayo na ang pasyente ko, nakaharap siya sa akin..., at alam kong nakatitig ito sa akin ngayon... Purong kaba ang dumaloy sa buong sistema ko. Katapusan ko na ba? _____All Rights Reserved