RODRIGUEZ HEIRS #2 Kaelin Rodriguez (Under Editing)
54 parts Complete Si Kaelin Rodriguez, 23 years old, ang bunso nina Clark at Kai Rodriguez at nakababatang kapatid ni Kaeron Ace. May blue eyes siya na parang dagat - calm pero malalim, matangos ang ilong, at may petite frame na nakuha niya sa kanyang mom. Mula sa unang tingin, halata na ang pagiging refined at calm niya - 'yung tipo ng babaeng hindi kailangang magsalita para mapansin.
Graduate siya ng Mass Communication sa Ateneo de Manila University at kumuha pa ng Master's in Digital Media and Visual Arts sa Singapore. Sa murang edad, naging Creative Director siya ng isang international publishing firm - smart, classy, at admired ng marami. Pero pagdating sa love, mysterious siya. Tahimik, maingat, pero totoo - marunong magmahal nang malalim kahit walang salitang binibitawan.
Si Red Cassian Dela Vega naman, 25 years old, ay isang half-Spanish businessman at heir ng Dela Vega Group of Companies, isang empire ng luxury brands at resorts sa Spain at Singapore. Matangkad siya, may hazel brown eyes, sharp jawline, at boses na mababa't nakaka-attract. Sanay siya sa corporate world, sa mga deals at power plays - pero sa likod ng lahat ng iyon, isa siyang lalaking pagod sa mga fake connections at temporary relationships.
Nagkita silang dalawa sa isang business gala sa Singapore. Si Kaelin, tahimik lang sa isang sulok, at si Red, sanay sa mga taong gustong makuha ang kanyang attention - pero sa gabing iyon, siya ang napatingin. Walang eksena, walang ingay - isang simpleng pagkakatagpo lang na puno ng undeniable connection.
At doon nagsimula ang kwento nila - hindi sa mga salita o grand gestures, kundi sa katahimikan at unti-unting paglapit ng dalawang taong pareho nang pagod, pero handang sumubok magmahal ulit.