Si Violet Castro Anderson na kilala bilang sikat at magaling na business woman, pumapangalawa sa kaniyang matalik na kaibigan na pinakamayamang babae sa bansa na nagmamay-ari ng maraming kumpaniya at kilala rin sa kagaspangan ng kaniyang ugali. Walang kinatatakutan at walang pakialam sa mundo at sa paligid niya, sa edad na 42 ay hindi siya naniniwala sa kasal at pagkakaroon ng anak, para sa kaniya isa lamang itong hadlang para sa karangyaan at kasiyahan ng buhay niya. Malupit, tuso at matapang na amo sa mga empleyado niya, na magpa-party at magka-club kung kailan niya gusto. Dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, gigising na lamang siya sa katotohanang may na nabuntis siyang babae na nagngangalang Sarah Altamirano. Hindi titigil si Sarah hanggat hindi siya napapanagutan ni Violet bagamat alam niya at nasaksihan ng mata niya ang mahiwagang pangyayari kay Violet na sanhi upang mabuntis siya nito kahit na ito ay isang babae. Makukumbinsi kaya ni Sarah na mapanagutan siya ni Violet na sa umpisa pa lang ay itinatanggi rin ang nangyari sa kanila, magbago kaya ang isip niya once sabihin ni Sarah ang nasaksihan niyang kahiwagaan na nai-record niya sa cellphone na maaring makasira sa pangalan ni Violet. May pag-asa kaya ang pag-ibig sa pagitan ni Violet at Sarah knowing Violet is seriously homophobic? let's find out.