Akala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngunit nagising na lamang siya na hubo't hubad habang katabi pa niya si Angelo De Leon. Nangyari ang lahat ng iyon sa mismong bahay ni Judith. Si Angelo De Leon ay ang mayabang at antipatikong lalaki na kinaiinisan niya dahil sa pilit nitong pag-angkin sa kapirasong lupa na minana pa ni Dianna sa kanyang mga magulang. Lapastangan talaga ang lalaki! Nang napagtanto ni Dianna ang lahat ay agad niyang nilisan ang lugar na 'yon at pinagdarasal na hindi na muling magkrus ang landas nilang dalawa. Ngunit ang kapusukan nila noong gabing iyon ay nagbunga ng hindi niya inaasahan. Nabuntis si Dianna. At kahit labag sa kalooban ni Dianna ay kailangan niyang tumira sa isang bahay na kasama si Angelo De Leon.
22 parts