DEAR EX | SPOKEN WORD POETRY Akala ko dati di ko kaya na wala ka Pero kaya ko pala Kasi sa iyung pagkawala Doon ko nakilala ang totoong ako Kung sinu ba talaga ako At doon ko nakita ang halaga ko Yung halaga na di mo sakin pinadama At ngayon alam ko na Alam ko Alam ko ang dahilan Kung bakit mo ako iniwan Kasi di ko pala ganun ka mahal ang sarili ko di ko pala nakita ang halaga ako. Kaya nagpapasalamat ako Nagpapasalamat ako Na nawala ka sa buhay ko Kasi sa pagkawala ko Doon ko nakilala ang totoong ako At don ko napagtanto na pwedi pala ako na maging masaya Kahit wala ka Kasi ngayon alam ko na Alam ko na kung paanu maging masaya Na di naka dependi sa iba Alam ko na kung paanu maging masaya Kahit ako lang mag isa Kasi alam mo natotonan ko na Kung paanu mahalin ang sarili ko Natotonan ko na kung paanu pahalagahan ang sarili ko At ngayon masasabi ko na Mahal ko na ang sarili ko At alam ko na ang halaga ko Bilang isang tao At nalaman ko yun ng dahil sayo Ng dahil sa sakit na pinaranas mo At alam mo ba Di ko pinagsisihan na nakilala kita Kasi ng dahil sayo Naging matibay ako bilang isang tao At ng dahil sayo nalaman ko na Na pwedi pala akong mag mahal ng iba At doon ko nalaman na ang ganda ganda ko pala Kasi ang dami nila Ang dami nilang nag kakagusto sakin Ang daming naniniwala sakin Dati kasi wala akong tiwala sa sarili ko Pero ngayon nagbago May tiwala na ako sa sarili ko May tiwala na ako sa kakayahan ko Alam mo sa ngayon ang dami ko ng nagagawa Na akala ko dati ko yun kaya Pero kaya ko pala At ngayon gusto ko lang sabihin sayo Na subrang nagpapasalamat ako Kasi ng dahil sayo Ng dahil sa sakit na pinaranas mo Naging matibay ako bilang isang tao At nalaman ko na ka mahal mahal ako Na pili pili ako Na mahalaga ako At nalaman ko yun ng dahil sayo Salamat kasi naging parti ka ng buhay ko At isa ka sa mga rasun kung bat naging matibay ko Kaya Kung nakikinig ka man sa tulang ito Ex Salamat sayo salamat sa napapakita moAll Rights Reserved