Kada sabado, kada linggo, kada buwan ay binibisita ng bida ng kuwento na ito ang isang munting museo. Punong-puno ng iba't-ibang uri ng sining ang museo, subalit isang larawan lamang ang naka-akit ng pansin sa bida. Larawan ng isang nakakahumaling at nakakarahuyo na babae. Ramdam ang pag-ibig ng puso na na dama ng nagpinta nitong larawan na ito, ngunit hindi maintindihan ng bida kung bakit sobrang nakakaakit ang larawan sa kaniya. Siguro higit pa sa panahon at tadhana ang pag-ibig na ito? Siguro, sa nakaraang buhay, magkakilala sila.