Matigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali always gets misunderstood by everyone and she's aware of that. She doesn't give a fuck as long as she's not harmed by those people. Minsan tinatawanan o di kaya'y pinapakita niya lang sa mga ito na hindi iyon nakakaapekto sakanya pero nung makilala niya ang lalaking si Ran Aronzado, ang kanang kamay at bodyguard ng kanyang ama at Tito Robert ay nagbago ang lahat. Mayroong kakaiba sa lalaki na kahit na anumang paghuhusga nito sakanya ay hindi tumatalab ang pambabalewala niya. Nasasaktan siya. She felt like she needed to change herself just to fit with his standards of women, and she hated it. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nagiging maamo siyang aso na sunod-sunuran sa lalaki kahit na bago pa man niya ito nakilala ay walang nakakapagpakontrol sakanya kundi sarili niya. Lumaki ang pagkadisgusto niya dito nang mapansin niya na hangang hanga ang ama niya dito na para bang mas anak pa ang turing nito kesa sa kanya. Ang lahat ng yun ay bigla nalang nawala nang may kung anong maramdaman siyang kakaiba sa lalaki at tila nakakapanghina ng hindi lang ng kanyang loob pati na rin ng kanyang puso. Subalit makakaya pa kaya niya itong mahalin kung malalaman niya ang totoong tinatago nito?