"Secrets and Shadows" ay isang kwento ng pag-ibig, pagtanggap, at ng kapangyarihan ng dalawang puso na pumapag-ibigay para malampasan ang mga pagsubok. Habang lumalalim ang kanilang pagmamahalan, mas lumalaki rin ang mga hamon na kanilang kinakaharap. Ang mga lihim na kanilang matagal nang binabantayan ay nagbabanta na mabunyag at magdulot ng anino sa kanilang pag-ibig, at haharapin ang kanilang nakaraan na umaasa na makabuo sila ng kinabukasan kung saan sila ay makakatotohanan sa kanilang mga sarili at sa isa't isa.
Si Mason, isang matalinong at mapangalaga na tao, ay namumuhay ng tahimik kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Michael at David. Ang mga araw niya ay inilalaan kasama sila, at hindi niya kailanman nagawang ibahagi ang tunay niyang sarili sa sinuman, pati na rin sa kanyang mga kaibigan, sa takot na magdulot ito ng mga konsekuwensya.
Si James, sa kabilang banda, ay nagdadala ng obssesyon, kalungkutan, galit, at poot. Ang kanyang buhay ay puno ng kawalan at pag-iisa, na nagdulot ng kanyang obssesyon kay Mason at nagdulot ng isang pagkakamali kay Mike.
Dala ng tadhana, pinagtagpo si Mason at James nang malaman ni Mason na nagkamali si James kay Mike. Makakahanap kaya sila ng pag-ibig? Makikilala pa kaya ni Mason ang nakaraan ni James o mas magiging obssesyon pa si James kay Mason?