14 parts Complete Her Elle Rivera, ang babaeng gustong mag mahal ngunit palaging bigo sa pag-ibig. Naranasan niyang mareject ng paulit-ulit hanggang sa masanay na siya sa ganitong sitwasyon. Hindi nagtagal nakilala niya ang tatlong lalaki na iibig, magiging kaagapay at magkaribal sa puso ni Elle. Nangyari ang lahat ng ito sa isang aksidente na nakapag pabago sa kaniya, maging sa kaniyang damdamin.
Ngunit sa hindi inaasahan kasabay ng pagkawala ng kaniyang alaala, nawala rin ang lalaking para sa kaniya ay minahal na niya kahit sa maiksing panahon. Tanging boses at haplos lamang ang natatandaan niya mula sa lalaking ito.
Hanggang isang araw, muli silang pinagtagpo ng tadhana ngunit may hahadlang pa pala mula rito.
Magiging maganda na kaya ang buhay pag-ibig na hinahangad ni Elle o magiging isang bangungot na naman ito para sa kaniya?
Tunghayan ang pagsubok na tinatahak ni Her Elle Rivera sa pakikipagsapalaran upang mahanap ang tunay niyang pag-ibig.