Para sa akin Ang PAG-IBIG ay nararamdaman ng tao na hindi pang ordinaryo. Minsan bigla mo na lang itong mararamdaman sa kapwa mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Gustuhin mo man ito o hindi. Kapag tumibok ang puso mo ng mabilis at tipong di ka na makahinga sa tuwing nakikita, nakakasama, naiisip kahit marining mo pa lang ang boses nya napapatalon na ang puso mo sa saya hudyat na yon na umiibig ka. Hindi mo kayang pigilan ito. Kahit sabihin mo pang hindi mo na sya mamahalin hindi mo kayang gawin. Kasi walang kahit na sino ang makakapagdikta at makakapigil sa puso mo. Minsan kaya nawawala ang PAGIBIG ng isang tao kapag napagod na itong magmahal at Kapag nasaktan ito ng sobra. Kaakibat na ng PAGIBIG ang masaktan ka. Bakit ka nga ba masasaktan ng dahil sa PAG-IBIG?? Maraming posibilidad na sagot sa tanong na yan. Maaaring umaasa ka na mahal ka ng taong mahal na mahal mo. Maaari namang sinaktan ka mismo ng taong mahal or karelasyon mo. Sa paraang ikaw ay niloko, pinagpalit, pinagpustahan,