Maraming klase ng SAKIT. Mayroong klase ng sakit na mararamdaman mo kapag sobrang pagod ka na at sawang-sawa na; sawang-sawa sa lahat ng bagay na isinasampal sa'yo ng mundo. Mayroon din namang klase ng sakit na konektado sa sakit na nararamdaman ng ibang tao. Yung tipong nararamdaman mo rin ang bigat na nadarama nya, na kapag malungkot sya ay malungkot ka rin, at kapag wasak sya ay wasak ka rin. Pero anuman ang klase ng sakit na nararamdaman mo at anuman ang pinang-gagalingan nito, hindi ka kailanman makakaligtas sa pag-isip ng sagot sa mga katanungang ito. ANO NGA BA ANG PATUTUNGUHAN NITO? ANO BA ANG PINAPLANO NG DIYOS PARA SA AKIN? KAKAYANIN KO BANG LAMPASAN ITO? [A/N: I actually did not have the intention to write stories. But our professor in Filipino Subject required us to make a story about gender and/or violence, and upload it here. Also, I found the topic interesting. So... here it is!]All Rights Reserved