Wedding Girls Series 11 - MAXINE - The Wedding Photographer
18 parts Complete "I realized that I love you too. Siguro, natabunan lang iyon ng marami pang klase ng pagmamahal na iniukol ko sa iyo mula't mula pa. Pero hindi na ito iyong pagmamahal na parang sa isang kapatid o kaibigan. I mean, I'm also in love with you, Maxine."
*****
Si Maxine, all her life si Xanderr ang kasama niya. Kalaro, kaibigan at parang kuya. Kung paano siya bigla na lamang na-in love dito ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, hindi niya iyon sinasadya.
Si Xanderr, all his life, si Maxine ang kasama niya. Pero ni minsan, hindi niya inisip na iibig siya dito. She was a playmate to him, a friend and a shock absorber. Sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya, magtagumpay man siya o mabigo, si Maxine ang kapiling niya.
Isang araw bago ikasal si Xanderr, natuklasan nito ang pinakatatagong lihim niya. Pero hanggang doon na lang ba iyon? O may pag-asa pa para sa kanya naman mabaling ang pag-ibig ni Xanderr?