
Hanggang kailan mo matitiis na manatili sa gitna? Ang umasa sa walang kasiguraduhan? Ang kumapa sa dilim? Malakas ang paniniwala ni Eury na matatag ng loob niyang gawin ito. Nagtitiwala siyang hindi mauuwi ang mga pagsisikap niya sa wala. Kaya niya, makakaya niya. Pinatatag na siya ng panahon. Para kay Benedict, hindi siya matatakot na pumagitna sa malabo. Pero hindi niya inaasahan na sa gitna ng paghihintay at pag-asa ay ang pagsugod ng pighati na hindi niya lubos na inakalang wawasakin siya at gagawing katatawanan ang katatagan na kay hirap niyang binuo.All Rights Reserved