Ang gusto lang naman ni Tania ay kumita ng pera, at magkaroon ng trabaho na gusto niya. Kaya umalis siya sa siyudad, at pumunta sa probinsiya upang magtrabaho sa isang farm sa rekomendasyon ng kaniyang kapitbahay at kababata na si Pate. Ngunit pagdating niya doon at hinanap ang nagngangalang Peter Marasigan, ang boss daw niya ayon kay Pate, ay hindi niya inaasahang hindi pala sa kapatagan ang lugar kundi sa kabundukan! At mukhang hindi lang din pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang ginagawa ng mga nagtatrabaho doon, dahil tuwing oras ng trabaho ay laging mukhang kulang sa tulog ang mga 'to, at pagdating ng hating gabi kung saan dapat ay nagpapahinga na ang lahat ay napansin niyang nagtitipon ang mga ito. Ang tanong ay para saan?All Rights Reserved
1 part