The Language of Hearts, ay isang magandang kuwento ng pag-ibig ang mabubuo sa pagitan nina Emersyne at Cora, na nagtagpo sa isang simpleng coffee shop. Si Cora, isang simpleng babae na nagtatrabaho sa coffee shop, ay natagpuan ang kanyang mundo sa paghahain ng mga tasa ng kape at pagbibigay ng ngiti sa mga customer. Sa isang araw, isang kilalang manunulat na si Emersyne ang pumasok sa coffee shop. Si Emersyne ay kilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga akda na naglalaman ng mga saloobin ng puso at mga kuwento ng pag-ibig. Ang pagtatagpo ng dalawa ay nagdulot ng isang espesyal na koneksyon. Sa bawat pagkikita sa coffee shop, sila'y nagbabahagi ng mga kwento, mga pangarap, at mga pagnanasa. Ang simpleng coffee shop ay naging saksi sa pag-unlad ng kanilang pag-ibig, habang sila'y naglalakad sa mga lansangan ng buhay at naglalantad ng kanilang mga puso sa isa't isa. Ngunit sa likod ng kanilang magandang kuwento, may mga hamon na kanilang kinakaharap. Ang pagkakaiba sa kanilang mga mundo at ang sikat na katayuan ni Emersyne ay maaaring magdulot ng agam-agam at pag-aalinlangan sa kanilang pag-ibig. Ang mga pagsubok na ito ay magbibigay-daan sa kanila na ito ay magiging daan tungo sa pagtuklas ng mga damdamin at pag-ibig na naglalaho sa mga salita at mga kilos.All Rights Reserved