Muling bumalik sa Pilipinas si Deli dahil gusto niya lamang ng payapa at tahimik na buhay para kalimutan ang mapait na karanasan niya sa Paris. Simula nang niloko siya ng kaniyang kasintahan ay nakipaghiwalay siya rito at tumungo agad sa kaniyang magulang. Inaakala niya na magiging maayos ang takbo ng kaniyang buhay sa pagbalik niya ng Pilipinas ngunit nagkamali siya nang makilala niya ang napaka gwapong lalaki na si Nozel Cervantes na nagmistulang anghel sa kaniyang paningin ngunit kabaliktaran ng pangit nitong ugali.