16 parts Ongoing MatureSabi nila, kapag pagod ka na, tumigil ka. Pero minsan, kahit pagod ka na... wala ka namang ibang mapuntahan kundi 'yung direksyon kung saan ka nasaktan.
Ako si Ella De Luna. Twenty-seven. Dating barista sa Maynila. Dating masaya. Dating may nobyo. Hanggang isang araw, dumiretso siya sa ibang babae at iniwan akong may utang, luha, at bagsak na self-esteem.
Kaya eto ako ngayon, nasa bayan ng San Felipe, isang lugar na puro palayan, kabayo, at katahimikan. Literal na katahimikan-walang ingay ng busina, walang ilaw ng billboard, at lalong walang lalaki na sinungaling.
Pero hindi ko inasahan na dito ko rin siya makikilala-si Lucian Cuanco. Ang lalaking kahit di nagsasalita, parang naririnig mo na ang iniisip.
Nang una ko siyang makita, akala ko isa lang siyang ranch worker. Kalbo ang sides ng buhok, maitim ang balat sa araw, at may mga ugat sa braso na kahit sinong babae mapapatingin. Pero hindi ko lubos akalain na siya pala ang may-ari ng rancho.
"What work do you know?" Tanong niya sakin ng una kong dating sa Rancho
hindi naman siya balbas sarado pero tama lang pangkiliti sa leeg ng babae
huy Ella mag hulos dili ka
"Marunong po ako mag-alaga ng hayop. Marunong magtimpla ng kape. Marunong magtanim. Marunong magtiis," sabi ko.
narinig ko nalang ang maskulado niyang tawa na parang awit ng angel sa tainga
huy Ella kakabreak mo lang!
"Really? thats impressive."
Akala ko hindi na niya ako tatanggapin, pero kinabukasan, may kama na ako sa maliit na silid sa silong ng kanyang bahay-rancho, may iniaabot na uniporme, at may listahan ng mga kailangang gawin.
"Simple lang dito. Walang tsismis, walang arte," sabi ni Lucian, habang tinatapik ang kabayong si Tropa.
Ngumiti ako, sabay sagot, "Wala rin pong lalandiin."
Tumigil siya sa pagkilos. Tumingin ng direcho. "Siguraduhin mong kayanin mo yang sinabi mo."
Hindi ko pa alam noon, pero ang totoo... siya pala ang magiging pinakamapanganib na tukso sa buhay ko.