Knight Radizon: The Campus Prince
  • Reads 11,900
  • Votes 461
  • Parts 12
  • Reads 11,900
  • Votes 461
  • Parts 12
Ongoing, First published Nov 20, 2023
Isa na yata sa pinakamasuwerteng babae sa Radizon University si Precious. Paano ba naman? Ang tinitilian ng lahat na si Knight Radizon, na malamig pa sa yelo ay kasa-kasama niya sa iisang bahay.

Oo, magkasama sila sa iisang bahay. Pero hindi dahil bisita siya roon o kaanak niya ito. Lingid sa lahat na isa siyang kasambahay sa Radizon Mansion. Ang bahay na pinapangarap ding marating ng lahat sa bayan ng San Agustin. Para kasi iyong palasyo sa sobrang laki.

Ngunit ang pag-aaral niya sa Radizon University ay mayroong isang kundisyon. Naging instant spy siya ni Knight sa lahat ng gagawin nito dahil palaging wala sa bansa ang mga magulang nito. Pabor naman sa kaniya ang extra niyang trabaho dahil nag-e-enjoy siyang sundan-sundan si Knight ng hindi nito nalalaman.

Iyon ang akala ni Precious, na walang alam si Knight sa kaniyang extra job. Dahil ito mismo ang nakahuli sa kaniya na sinusundan niya ito!
All Rights Reserved
Sign up to add Knight Radizon: The Campus Prince to your library and receive updates
or
#20poor
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
TOTGA (Candy Stories #4) (To be published) cover

TOTGA (Candy Stories #4) (To be published)

53 parts Complete

Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more? *** May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam. Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit. Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana. Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga? Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon. Disclaimer: This story is written in Taglish.