Knight Radizon: The Campus Prince
  • Reads 11,521
  • Votes 449
  • Parts 12
  • Reads 11,521
  • Votes 449
  • Parts 12
Ongoing, First published Nov 20, 2023
Isa na yata sa pinakamasuwerteng babae sa Radizon University si Precious. Paano ba naman? Ang tinitilian ng lahat na si Knight Radizon, na malamig pa sa yelo ay kasa-kasama niya sa iisang bahay.

Oo, magkasama sila sa iisang bahay. Pero hindi dahil bisita siya roon o kaanak niya ito. Lingid sa lahat na isa siyang kasambahay sa Radizon Mansion. Ang bahay na pinapangarap ding marating ng lahat sa bayan ng San Agustin. Para kasi iyong palasyo sa sobrang laki.

Ngunit ang pag-aaral niya sa Radizon University ay mayroong isang kundisyon. Naging instant spy siya ni Knight sa lahat ng gagawin nito dahil palaging wala sa bansa ang mga magulang nito. Pabor naman sa kaniya ang extra niyang trabaho dahil nag-e-enjoy siyang sundan-sundan si Knight ng hindi nito nalalaman.

Iyon ang akala ni Precious, na walang alam si Knight sa kaniyang extra job. Dahil ito mismo ang nakahuli sa kaniya na sinusundan niya ito!
All Rights Reserved
Sign up to add Knight Radizon: The Campus Prince to your library and receive updates
or
#855poor
Content Guidelines
You may also like
Defiled Love by micheilockz
11 parts Complete
Venom Refiree, a typical playboy. Wala syang ibang alam gawin kundi ang makipag laro. For him, love sucks and true love doesn't exist. Ang salitang ito ay isa lang kahibangan. Well, he knows. Dahil bago sya maging isang tinik sa kababaihan, naging isa muna syang seryoso at mapagmahal na lalaki. He gave all his love and effort to a woman named Glycelyn Baren, pero kagaya nga ng sinabi nya love sucks. Dahil sa kabila ng kanyang ginawa ay bigla nalang syang iniwan ng dalaga. Kaya para mapagtakpan ang sakit at insecurity na nararamdaman ay pinatigas nya ang kanyang puso. He learned to be numbed and playful until he became good at it. Glycelyn Baren isang babaeng may pusong bato. Para sa kanya walang lalaking matino, all men are cheaters and horny. Wala silang pakialam sa puso ng mga babae. All they want is to fuck woman. After that, they will leave it like a used potato. Well she knows, dahil bago sya maging isang pusong bato ay naranasan nya ding mahalin ang lalaking nag-ngangalang Venom Refiree, pero kagaya ng sinabi nya lahat ng lalaki ay manloloko kagaya nito. Hindi ito nakuntento sa kanya. After giving her everything to him, he still cheated. Kaya upang maprotektahan ang sarili sa mas matindi pang sakit na maaari nyang maranasan, she left. At mula noon, ipinangako nya sa sarili na hinding hindi na nya hahayaan ang kahit na sinong lalaki na saktan sya. Not even Refiree. Pero paano kung mag tagpo ulit ang landas ng dalawang pusong minsan nang nasugatan? Paano kung sa muli nilang pagkikita maramdaman nila ang kanilang sariling kahinaan? Paano kung nararamdaman parin nila sa isa't-isa ang init na minsan na nilang pinag saluhan? Susugal ba sila o didistansya upang protektahan ang sarili para hindi na masaktan?
You may also like
Slide 1 of 10
My Prized Possession cover
Defiled Love cover
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1) cover
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books) cover
Hiyal cover
OBSESSION & REGRETS cover
The Billionaire's Kiss | COMPLETED on VIP cover
Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION) cover
Sweet Taste of Love (Taste Series #1) cover
My Ex-boyfriend's girl cover

My Prized Possession

7 parts Complete

Pinabayaan ng kanyang mga magulang dahil sa isang pagkakamali na hindi niya nagawa, natagpuan ni Paige ang sarili sa kalye na walang anuman ngunit ang kanyang gown na isinuot niya ng gabi para sa kanyang ika-18 kaarawan. Ngayon, walang-wala at ginipit ng mga magulang, ginawa niya ang isang bagay na hindi kailanman dapat gawin ng isang babae; ang ibenta ang iyong sarili. Wala sa kanyang isipan at dahan-dahang nawalan ng pag-asa, Devon Montgomery stumbled his way into her already chaotic world--- a billionaire of his own country. an arrogant bastard who demanded her to be his sex slave. Wala nang ibang mapipili, tinanggap na ni Paige ang alok ng gwapong diyablo, kahit na alam niya na ang ideya ng pagiging kanyang alipin sa sex ay nakakatakot at nakaka-excite at the same time. Nagkita sila sa isang hindi inaasahang lugar at oras at nakaramdam ng malakas na pakiramdam tungkol sa bawat isa na hindi nila maitatanggi. Nanumpa si Devon na hindi pakakawalan kailanman si Paige, he will have her in his arms, his bed and in his life. Parehong natatakot magmahal at masaktan ulit. Ano ang magiging pagtatapos ng kanilang kwento?