Magkaiba ang aming mga mundo, Siya na isang sundalo at ako na isang anak ng bandido. Magkaparehong may pinaglaaban at may hinahangad na kalayaan. Ngunit magkaiba ng pakikipag laban. Ngunit paano kung ang magkalaban ay magkita at magmahalan? Ipagpapatuloy ba na sundin ang puso, o susuko? Prinsipyo ba ang pipiliin oo ang puso ko? " Itay maawa ka, hayaan mo akong puntahan siya at ipaalam na magkaka anak kami!" umiiyak na sambit ng dalaga. "HINDI! Dahil sa pagmamahal na sinasabi mo mabilis ka lang niyang nauto! Dahil sa pagiging padalos dalos mo napahamak ang mga ka baryo natin! Ginamit ka lang ng sundalong mahal mo! Hindi mo ba naiintindihan yun!" galit na saambit ni Itay. " Hindi Itay mahal niya po ako!" sambit ko habang umiiling. " Mahal? Hibang kana Mariah! Iyang Capitan ng mga sundalo na sinasabi mong mahal ka, umalis na at alam mo ba ang balita ikakasal na ito sa maynila! Ang hayop na lalaking iyon ay ginawa ka lamang parausan!" galit na sambit ni Itay. Halos manghina at napaupo ako sa damuhan sa aking narinig, kung kailan nagmahal ako ay tsaka pa ako niloko at pinaglaruan. Bakit niya nagawa sa akin ito? ibig ko lang naman na maging masaya?